Unang hakbang nila ay paamuhin ka
Bigay roses, chocolates at iba pa
Nagbabait-baitan ‘pag kaharap ka
Plano kasi’y liligawan ka.
Kay sarap pakinggan ng mga salita nila
Hindi mo alam palipad-hangin lang pala
Tumalikod kay tinatawanan ka,
Pakipot pa raw kahit halata na.
Kukulitin ka hanggang masagot mo na
Susuyuin, susunduin san ka man magpunta
“ang bait niya”, bulong mo pa
‘Di mo alam pa-epek lang pala
tanong niya isang araw
“O, sasagutin mo na ba ako?”
ikaw naman na utu-uto
“Sige na nga, I love you too.”
Sa umpisa parang iisa kayo ng bituka
Holding hands while walking
Sometimes kissing while talking
Akala niyo wala ng ending
Pagsabihan mong huwag mag bisyo
Sagot niya, “yes dear, I promise to you”
Kapag wala ka na, sabi nito
“anong paki niya, asawa ba niya ako?”
good boy sabi ng friends niya
loving and caring add pa nila
“thank you friends” sabi niya
“hayaan niyo inuman tayo mamaya”
unti-unting naglaho
pagtitinginan na akala mo’y ‘di magababago
ano kaya ang dahilan
kung bakit kay daling nawala ang kabaitan?
‘di naglaon naisipan niyong putulin and relasyon.
Masakit man sa iyo, happy naman ang gago
At doon mo na isip..
Ang ginawa mo ay napakalaking katangahan
At iyong nalaman.. Lalaki, di mapagkakatiwalaan.
Girls, try to think about this. Guys, don't worry i know not all of you are like that. ^_^
Tuesday, October 30, 2007
a MUST-READ poem
Posted by Kisha at 10:27 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment